Ano na nangyari sa ating blogspot? Anywayz, heto na at nakalabas na kaming 3 nila Ianne at Ate Grace... susunod na si Tess... Kamusta naman ang mga nandiyan pa sa Pinas?? Aba'y magalisan na rin kayo ng malaman niyo ang tunay na nararamdaman ng isang misyonero...
Naku talagang excited kayo pag-alis niyo, kasi marami sa atin ang 1st time lumabas ng bansa... pero naku, 1 buwan palang ako dito feeling ko sobrang tagal na... grabe, iba ang mabuhay dito... Ang bagal ng oras...sa simula exciting pagdating mo pero ilang araw lang hay... nalulungkot ka na...
Kung akong 1 buwan palang nandito eh nalulungkot na what more ang mga tumagal na ng ilang taon sa mission field nila??? Buti nga may kasama pa akong Pinay, eh paano na yung wala?? Yung nagiisa?
Hay, Ate Grace... sobrang kakaiba ang feeling mo kasi magisa ka lang na Pinay... sobrang feeling alienated ka kasi di ka makakapagtagalog diyan eh...Atleast kami ni Ianne pagkatapos mag-english aba'y may kausap kaming nagtatagalog... Lahat ng ating kalahi dito (ma-Cebuano, o Ilocano... ang common language pa rin ay tagalog...)
Sa ngayon full schedule na ang aking august kaya di na ako nalulungkot gaya last month...heto ang bakasyong hinihingi ko kay Lord...aba'y natutulog ako ng 12am sa kakanood ng tv or pagbabasa ng christian books tapos gigising ako ng 9-10am ng umaga kasi 2-4pm pa ang aking pagtuturo...
Ngayong buwan ko rin malalaman kung ako'y tatagal ng ilang taon o uuwi na sa September... May hinihintay lang akong "go signal" galing kay Lord...Siyempre God's will pa rin
ang susundin ko (kahit gusto ko ng umuwi...)
Well, sabi nga ni PA. Nothing can stop God in His plans for us...Sa September or October pa raw magsno-snow dito kaya hay... yun pa man din ang hinihintay ko at di pa ako nakakita ng snow...
O sya, at mahaba na ito... di na ako maglalagay ng picture dito at tingnan niyo na lang ang website ko...
Hay... miss ko na kayo mga girlalu...keep in touch
God bless
Carol